<

Naglalakad kasabay ng hangin, At hindi alam kung saan ako dadalhin
Sinusundan ko lang
Ang iyong tinig
Sana pakinggan ang aking himig

Ako’y nagpahinga
Sa ilalim ng punong manggam, Umaasang nanjan ka na paggising
Ako’y nananabik sa iyong mga ngiti
Sana ikaw ay magbalik

Dapit hapon na
Hindi ka pa rin nakikita
At kahit abutin man ng umaga
Ako’y maghihintay pa rin
Sa iyong pagdating
Dito sa lilim

Ako’y nandirito pa rin
Sa dating tagpuan natin
Hanap ko ang iyong lambing

Hagkan hagkan ko
Mga alaala mo
Dito sa pugad ng puso ko

O kailan kaya kita makikita
Habang buhay na lang tulala
Siguro talagang ganyan
Parati ka na lang iniiwan
Kahit ayaw mong magpaalam

June 18th, 2007 at 8:54 pm