For you,
(Subtitle : "Para Sa ‘Yo" : Huling love letter ko na ‘to!)
I’ve known myself (and others have observed, too) that I am strong,
that I am a fighter (in short, AMAZONA ala Xena: The Warrior Princess)
pero matagal na akong sumuko, matagal na akong nag-give up. Nawalan ng
pag-asa. The last ray of hope I had, vanished in the darkness, vanished
in the deepest abyss of my super excruciating loneliness (hindi ko
naintindihan ibig sabihin ng sinulat ko, gusto ko lang gamitin ‘tong
mga words na ‘to). My last string of hope had long been gone ,never to
come back again. Para akong isang taong malaon nang nalagutan ng
hininga pero patuloy na nabubuhay (in short patay na buhay…ZOMBIE?).
Sabi ko dati kaya kong ipaglaban ang lahat na may kinalaman sa ‘yo
kahit sabi ng mga friends ko na wala naman kong ipinaglalaban or dapat
ipaglaban pagdating sa ‘yo (Oo nga naman! Ano ba kita?). Kaput!
Ilusyon lang naman ang meron ako, di ba?! Sabi nga ng ibang friends
ko, ang kuwento ng pag-ibig natin (pag-ibig ko lang pala) ay isang
alamat, malaon nang nangyari at nagpasalin-salin sa lahat ng bibig sa
lahat ng henerasyon (exaggerated lang!). Isang alamat na milagrosong
parang hindi naman nangyari!
Ang gusto ko lang naman sabihin ay gusto na kitang kalimutan, alisin
sa sistema ko, tuluyang mawala sa buhay ko. Talagang napagod na ko,
sobrang pagod na pagod na. Ang dati kong deep-set na mga mata ay puro
eyebags na ngayon (not to mention the dark circles around it)
kakapuyat at kaiiyak dahil sa’yo. Ang dati kong figure na
pinag-aawayan ng mga lalaki (to die for body as in "pamatay" - wish,
hehehe) ay sa mga larawan na lang makikita (wow! extinct na to parang
dinosaurs, hindi lang endangered specie). Gusto ko nang mag-move on!
Please let me go (as if). Alam kong hindi mo hiniling na mahalin kita
(as if naman pinangarap ko din ‘yun), pero honestly, hindi ko lang
napigil sarili ko. Hay, ewan ba? I didn’t see it coming!
Nevertherless, here I am, desperately and hopelessly devoted sa ‘yo.
Parang tangang naghihintay at maghihintay sa wala. Kaya hindi ko na
malaman kung saan magsisimulang lumimot sa ‘yo. Ang hirap kasi hindi
ko alam kung kelan kita sinimulang mahalin, basta nagising na lang ako
isang araw na mahal na kita. So kung hindi ko namalayang minahal kita,
paano pa kaya kita hindi mamahalin?
Ang sabi ko dati, willing akong maghintay kahit forever, pero sadya
nga atang napakaba ng forever at hindi ko na mahintay. Mahal kita. No.
Mahal na mahal as in sobrang love kita pero sabi nila mahalin ko naman
daw ang sarili ko. Kailangan ko din daw igalang ‘yong magiging future
wife mo (ouch!) at itigil na ang ilusyon na ito. I intend to find my
happiness and ngayon unti-unti na nagsi-sink in sa utak ko na hindi
ikay ang magbibigay ng happiness na ‘yon, even if you’re the only man
I have ever loved this way. Love shouldn’t make you happy dahil dapat
bago ka magmahal, you are already a complete person and that alone
should make you happy.
One day, I know magmamahal din akong muli and I want to be ready and
prepared when that day comes. For the meantime aayusin ko muna ang
sarili ko and enjoy my singlehood and life to the fullest. I know you,
too, will love again (maaari ngang in love ka na nagyon sa kung sino mang
babaeng pinili ng puso mo) and sana gaya ng prayer ko, maging masaya
din na gaya ko.
And one day when our paths cross again, ready na kong sabihing
"Minsan, minahal kita at dahil doon, naging mas mabuti akong tao. Mas
naging masaya ang buhay ko."
I really admire the courage you have t finally move on (though I hope you’d really will it this time, but not meaning jumping to someone - anyone - available ). I would pray for the day ya’d finally fall in love again — this time with “The One”. Miss yah and love yah friend!
June 18, 2007 @ 7:10 pm
June 22, 2007 @ 5:31 am