My, after 30 years nakapanood din ako ng TV. Nakakatuwa, aliw na aliw ako sa Princess Hours at Maging Sino Ka Man. Kinikilig at naiinis ako at the same time sa kina Janelle at Gian. Pero bet ko pa din si Prinsipe Troy.
Buti na lang nag-champion din ang Ginebra despite sinasabi ng brod ko na scripted daw. There’s no way they could defeat San Miguel! I DON’T FRIGGIN’ CARE!
Nakakaloka din si Bakekang, lalo na ‘yong episode nila for Feb12 . Duh! Nalunod daw ‘yong mga anak niya at tapos ang katangahan ng lola mo, nauntog pa habang lumalangoy — ang katapusan, tatlo silang nalunod! Tsungingi! D-U-H!!!
Pero lately, naaaliw ako sa mga commercials, ads - Lalo na ung Nation Paint! Bagong painted ung walls at may isang guy na magwi-wee sana pero nakonsensiya. The best! Ang saya saya naman nun. Ang tapang tapang. DISCIPLINE. DISCIPLINE. DISCIPLINE. ‘Yon ang kulang sa Pinoy! Tanong : Gusto mo rin bang maihian sa mukha??? ‘Yun ‘yun!