Jahnays is going to Singapore!
I dare say I’m proud of her as she boldly follows her heart and sought after her dreams. But I would miss her as well…
Wala ng mangungulit saken at mag-aayang lumabas kahit wala pa ‘kong tulog…
Wala nang manggugulo saken at pipilitin akong pumunta ng Megamall para lang tulungan siyang mag-edit ng resume or magbayad ng bill niya sa GLOBE…
Wala ng iiyak saken para lang pumunta ako sa Megamall or sa Podium at kumain s Burgoo dahil marami siyang kuwento…
At lastly, wala ng magtatampo saken pag hindi ko nasamahang gumawa ng lease of contract…
pero…
pag masama ang timpla ko, wala n den ako makakaladkad mag-window shopping…
hindi na den ako makakapunta sa Bulacan at makikitulog sa bahay nila minsan…(mami-miss ko rin si Tita)
mababawasan ang mga naniniwalang maganda at matalino ako (hehehe)…
Lastly, mami-miss ko ang nag-iisang tumatawag sa ‘kin ng DE ASIS!
Pero friend, mami-miss kita.
Iba ‘yong pinagsamahan natin nung college..tumira tayo sa isang bahay, nagkalabasan ng ugali at nagkatampuhan den minsan (Tanda mo nung mag-walk out ka dahil inaway kita?), mami-mis ko ung sabay taung natutulog sa jeep pauwi sa inyo kasi mahigit 2 hours ata ung biyahe. Mami-miss ko ‘ung tawa mo, ung pagtili mo makarinig lang ng lovesong at maya-maya iiyak na…
In short, kung may magagawa lang ako sana naging college studs n lang tau forever! Kasi ang saya nun kahit 1 week na lang at hindi pa umaandar ung system, tas ung documentation, laging nire-revise. Ang sarap nung feeling nung nagpupuyat tau sa apartment na ‘kala mo subsob sa pagagawa ng program, pero nanonood lang pala ng movies (pirated CD-marathon)…Natatandaan mo b nung maki-iyak tayo kay Mandy Moore sa A Walk to Remember kahit ilang beses n nting pinanood? Tas naaalala mo ba ung pinanood natin na *CENSORED* dahil curios tayong lahat?! Tapos nakakatuwa sa lahat pag may dumadalaw satin, libre mirienda…pero kapag thursday na or friday, pancit canton n lang ulam natin!? Tas kahit dis oras n ng gabi, naglalakad pa rin tayo along Teresa…
Haaayyy…nakaka-miss talaga. But no matter how much we want, we should all grow up and search for our own place under the sun. BUt while we’re miles apart, the memories linger and live in our hearts…
Good luck to your endeavors, whatever happens, I’ll always be here for you…
Hahahahhahah I know the CENSORED part nagtitilian kau nun eh while watching….
February 4, 2007 @ 6:24 pmsinabi mo pa! kaya nga defense na kinabukasan hindi pa umaandar system namin, e!
February 6, 2007 @ 12:25 am